Human Centipede 2.
Same group of people, we dared to watch this.
GRABEHAN LANG TALAGA!
Lahat na yata ng kababuyan na hindi ko naimagine sa buong buhay ko, nakita ko dito.
Wala akong ibang masabi.
Bilib na bilib ako sa sarili ko na nasurvive ko ‘to ng hindi sumusuka.
May mga lapses sa continuity. May part na bigla nalang kaming napatanong na “O, asan na yung buntis?” tapos nung nakita namin sya, “bat nandyan na sya?” pero kaya pa naman patawarin. Kung hindi ka masyadong mahilig pumuna ng mga continuity ek-ek ng mga film, hindi mo na mapapansin yun.
Mabuti nalang black and white sya. Black and white palang diring diri na kami, lalo na siguro kung colored pa yun.
Sabi nung direktor na si Tom Six, “Human Centipede 3 will make part 2 look like a disney film.” Grabe! Ano pa kayang kababuyan ang meron sa 3? Hindi pa ko nakakapagdecide kung gugustuhin ko ba syang panoorin.
O diba, wala akong masabi? HAHAHA
3 Notes/ Hide
-
itsliamsbitch liked this
-
jennv6661 reblogged this from hiddenjellie and added:
hmm for some reason i want...this one even though the first was icky
-
heyshorty reblogged this from hiddenjellie and added:
I watched this today. WTF! I thought The...was the worst thing I had come across. Turns...
-
hiddenjellie posted this
